Pananatili ni Ex‑Cong. Arnie Teves sa PGH, depende sa desisyon ng mga doktor — Atty. Topacio

Pananatili ni Ex‑Cong. Arnie Teves sa PGH, depende sa desisyon ng mga doktor — Atty. Topacio

NILINAW ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni dating Congressman Arnie Teves na nakabase sa sasabihin ng mga doktor sa Philippine General Hospital (PGH) kung hanggang kelan mamalagi sa ospital ang kaniyang kliyente.

Matatandaan na inilipat si Teves sa PGH para sa kaniyang appendectomy o operasyon sa appendix.

Wala daw sa posisyon si Topacio para sabihin kung hanggang kelan dapat manatili sa ospital si Teves.

Ang tiyak lang daw niya ay dapat regular at maayos na mapalitan ng isang competent doctor ang dressing ng sugat ni Teves mula sa operasyon at dapat na nasa malinis itong lugar para makaiwas ito sa kumplikasyon o impeksyon.

Si Teves ay nahaharap sa patong patong na kaso ng murder, attempted murder at frustrated murder sa Degamo Murder case.

Sa NBI Detention Facility unang idinetine si Teves at inilipat sa Metro Manila Jail District sa Camp Bagong Diwa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble