Panawagang magbitiw ang mga opisyal ng PNP, hindi labag –DILG

Panawagang magbitiw ang mga opisyal ng PNP, hindi labag –DILG

HINDI labag sa rules and regulations ng Philippine National Police (PNP) ang panawagan na mag-courtesy resignation ang mga full-pledge police colonel at police general.

Ito ang binigyang-diin ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr.

Ayon kay Abalos, isa lamang panawagan ang kanyang ginawa at hindi isang direktiba.

Paliwanag ng kalihim, hindi ito ang unang beses na pinaghain ng courtesy resignation ang mga opisyal ng PNP.

Nangyari na rin aniya ito sa panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Naniniwala si Abalos na kailangan magkaroon ng “fresh start” ang PNP makaraang lumabas sa pag-aaral na may mga opisyal ang sangkot sa iligal na droga.

 

Follow SMNI News on Twitter