TINIYAK ng pamahalaang Pilipinas na sisikapin nito ang pagsasaayos ng seguridad at kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs) na naroon sa China at sa administrative regions nito.
Ito ang ibinahagi ng Malakanyang sa gitna ng opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa People’s Republic of China.
Saad ng Palasyo, hindi matatawaran ang kontribusyon ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa, kaya naman pangunahing mithiin ni Pangulong Marcos na pangalagaan ang kanilang kapakanan.
Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), mayroong kabuuang 409, 451 OFWs sa China, Hong Kong Special Administrative Region, Macau SAR at Taiwan.
Mula sa naturang bilang, 14, 962 OFWs ang mula sa Mainland China habang ang natitirang 394, 489 OFWs ang nasa Administrative Regions nito.
Tinatayang nasa 24.23 million dollars ($24.23-M) OFW remittances ang naipadala na sa Pilipinas mula Mainland China.