Panelo sa susunod na PNP chief: Hindi dapat maging sunud-sunuran sa mga ilegal na utos

Panelo sa susunod na PNP chief: Hindi dapat maging sunud-sunuran sa mga ilegal na utos

NAGBABALA si dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo tungkol sa susunod na pinuno ng PNP. Kasunod ito ng nalalapit na pagtatapos ng term extension ni PNP Chief Rommel Marbil sa Hunyo.

Hindi dapat na sunud-sunuran.

Hindi dapat nagpapaalipin sa mga ilegal na utos.

Marunong magpatupad ng batas.

At hindi dapat kasabwat ng kalaban ng estado.

Ilan lamang ito sa mga katangiang nararapat para sa isang pinuno ng Pambansang Pulisya.

Sa kaniyang programa sa SMNI, iginiit ni Panelo na isang heneral na may paninindigan ang kailangan sa Philippine National Police (PNP).

Isang heneral na kayang sumalungat sa sinumang nakatataas sa kaniya kung alam niyang mali ang ipinagagawa o iniuutos.

“Kailangan tayong kumuha ng isang matatag, may prinsipyong pulis na magiging chief ng PNP. Otherwise, ganoon pa rin ang mangyayari sa atin, puro illegal ang ginagawa,” wika ni Atty. Salvador Panelo, Dating Chief Presidential Legal Counsel.

Muling inihalimbawa ni Panelo ang mga ilegal na aksiyon ng PNP laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng kumpas ni Chief PNP Marbil at Police Major General Nicolas Torre III, direktor ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

“Gaya ng ginawa ng Chief PNP. Sinunod niya ang utos ng nakatataas sa kanya. Sinunod niya ang ilegal na pag-aresto, ilegal na pag-detine, at pagpapatalsik sa The Hague. ‘Yun ay obvious na illegal na illegal. Nakipagsabwatan sa mga kalaban ng estado. Kalaban ng mga Duterte,” giit ni Panelo.

Nakadidismaya lang ani Atty. Panelo kung sa mga opisyal ng PNP ay walang maninindigan sa kung ano ang tama.

“Kahit sinong Chief PNP. Kailangan kasi kung ano ang batas ipatupad mo. At kapag ang nag-utos sayo at siya ang illegal, ipakulong mo… ganun dapat ang PNP chief,” giit nito.

Kaya naman hamon nito sa mga nasa hanay ng PNP, partikular na sa mga matutunog na opisyal na papalit kay General Marbil,

“Kung ako ang PNP Chief, eh ipaaresto ko ang nag-utos sakin ng ilegal at ibalik agad ang imahe ng PNP,” aniya pa.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang Malakanyang kaugnay sa pagpili ng susunod na hepe ng Pambansang Pulisya.

Sa ilalim ng mandato nito, may kapangyarihan ang Department of the Interior and Local Government (DILG), National Police Commission (NAPOLCOM), at PNP, na magrekomenda ng kanilang mga potensiyal na kandidato sa susunod na Chief PNP, pero nananatiling nasa Pangulo ang desisyon kung sino ang gugustuhin nitong iluklok sa puwesto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble