DUMATING sa Pilipinas si Prime Minister Dato Seri Anwar Ibrahim para sa kanyang two-day official visit sa bansa nitong Miyerkules.
Batay sa press statement ng Ministry of Foreign Affairs ng Malaysia, ang pagbisita ay nagpapakita ng kahalagahan ng mabuting ugnayan sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas bilang malapit na kapitbahay at kasosyo sa ASEAN.
Si Prime Minister Anwar Ibrahim, ang ika-10 Punong Ministro ng Malaysia, ay ang unang head of government na bumisita sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.
“Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim and I had a cordial and productive discussion on Philippines-Malaysia bilateral cooperation, reaffirming our two countries’ desire to revitalize relations as we traverse past the pandemic then through the years towards a new normal,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Pilipinas at Malaysia, napagkasunduan na palakasin ang security, trade ties, agri, at digital economy
Sa naturang pulong, napagkasunduan ng Pilipinas at Malaysia na palakasin ang seguridad, trade ties sa halal, agrikultura at digital economy.
Pagtitibayin ng dalawang bansa ang kalakalan at pagpapalitan ng pamumuhunan sa gitna ng patuloy na mga epekto ng pandemya at geopolitical issues.
Sinabi rin ni Pangulong Marcos na kinikilala ng dalawang bansa, bilang magkakapitbahay, ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
“As such, we agreed to continue our cooperation on political and security matters, rekindling the Joint Commission Meetings and joint initiatives to combat transnational crime and terrorism,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Binanggit din ni Pangulong Marcos sa kanyang pahayag na malalim ang pinagsanib na makasaysayang pinagmulan ng dalawang bansa, at ang kultura ng Pilipinas at Malaysia ay nagtatamasa ng natural na pagkakaugnay.
Idinagdag pa ng Punong Ehekutibo na kinilala niya ang papel ng mga Pilipino sa Malaysia at ang kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.
“As such, we spoke of further deepening our people-to-people ties through continued cultural exchanges and tourism” ayon pa sa Pangulo.
Kinilala rin ni Pangulong Marcos ang ambag ng Malaysia sa pag-unlad na ginawa tungo sa pagkamit ng sustainable at inclusive na kapayapaan sa Mindanao.
“We have recognized the great contribution that Malaysia has made to the peace process in southern Philippines. And we hope that this support that they have shown over the past few years will continue and will continue to contribute to the success of the peace process and the establishment of the Bangsamoro Autonomous Region,” aniya pa.
PBBM at Malaysian PM Anwar, nagkasundo na gumamit ng bagong antas ng diskarte sa isyu ng WPS
Samantala, sinabi ni Malaysia Prime Minister Anwar na siya at si Pangulong Marcos ay nagkasundo na gumamit ng bagong antas ng diskarte sa isyu ng West Philippine Sea.
Ito’y sa pamamagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang makamit aniya ang isang amicable resolution.
“We did discuss the South China issue and I shared President Marcos Jr.’s concern that due to the complexity and sensitivity of the issue, we should try and engage and take the position at a multilateral level between ASEAN so that we have a comprehensive approach and achieve an amicable resolution to this outstanding problem,” ayon kay H.E. Dato Seri Anwar Ibrahim, Prime Minister, Malaysia.
Parehong claimants ang Pilipinas at Malaysia sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.
Maliban sa pagtalakay sa South China Sea, sinabi ni Anwar na tinalakay rin nila ang ugnayan ng depensa at seguridad ng dalawang bansa, na aniya ay nananatiling matatag at lumalaki.
Sa kabilang dako, binanggit din ng pinuno ng Malaysia ang kalagayan ng mga Pilipinong nahaharap sa legal na problema sa Malaysia.
Hiniling ni Anwar sa panig ng Pilipinas sa pakikipagpulong sa Pangulo, na makipagtulungan sa Kuala Lumpur para sa kanilang pagpapauwi.
“I have asked the Philippines’ assistance and cooperation to expedite the commutation of nationals so that they can be repatriated to the Philippines in a timely manner. And I am pleased that — their willingness to facilitate this arrangement in a mutually agreed fashion,” ani Ibrahim.