Pang. Marcos, hinikayat ang US energy at aerospace firms na mamuhunan sa Pilipinas

Pang. Marcos, hinikayat ang US energy at aerospace firms na mamuhunan sa Pilipinas

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa ilang mga pinuno ng mga industriya o business leaders sa Estados Unidos.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nakipag-meeting si Pangulong Marcos sa aerospace industry maging sa industriya ng new sustainable fuels at renewable energy sa US.

Hinikayat ni PBBM ang US energy at aerospace firms na mamuhunan sa Pilipinas.

Layon ng patuloy na pakikipag-usap ng Pangulo sa ilang renewable energy firms na mapabuti ang ‘energy mix’ sa Pilipinas.

Giit ng Press Secretary, esensyal na bahagi ng pag-transform ng ekonomiya ng bansa ang pagtiyak sa suplay ng enerhiya.

 

Follow SMNI News on Twitter