Pangalang Marcos lilinisin ni PBBM – Sen. Robin Padilla

Pangalang Marcos lilinisin ni PBBM – Sen. Robin Padilla

PAGKAKATAON na ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na malinisan ang kanilang pangalan.

Ito ang sinabi ni Senator Robin Padilla.

Ayon sa bagong senador, batid niya na gagawin ni PBBM ang lahat para sa bansa upang malinis ang pangalang Marcos na matagal nang dinudungisan ng kanilang kalaban.

Pinuri din ni Padilla ang desisyon ni President-elect Marcos na pangungunahan nito ang agriculture department.

Aniya, nakakahiya kasing importer tayo ng bigas at isda samantalang agricultural country ang Pilipinas.

Hinikayat din ni Padilla ang mga tiwaling opisyal na magbitiw na sa pwesto bilang pagpapakita ng delicadeza.

Ito ay matapos maisapubliko ang listahan na ibinahagi ng NICA sa Senado na mga pangalan na sangkot sa agricultural smuggling.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter