IKA-dalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong Hulyo 24, Lunes handa na ba ang publiko sa inaasahang babanggitin ng Pangulo?
Unang taon pa lang ng Marcos administration ay humarap na ito sa malaking hamon sa pagitan ng Estados Unidos at China.
Naging mainit din na usapin ang posibilidad ng pagsiklab ng giyera sa Asya dahil sa patuloy na tensyon sa South China Sea at sa Taiwan.
Paano nga ba inilugar ng pamahalaan ang Pilipinas sa usaping ito?
Paano nga ba isinulong ng Marcos administration ang interes ng Pilipinas sa usaping geopolitical?
Samantala, iba’t ibang hamon din ang sumalubong sa pag-umpisa ng administrasyon sa sektor ng edukasyon mula sa perwisyong dulot ng COVID-19 pandemic, kakulangan ng mga guro at silid-aralan hanggang sa problema ng CPP-NPA-NDF recruitment sa mga kabataan.
Paano nga ba ito tinutugunan ng administrasyong Marcos sa loob ng isang taon?
Ano nga ba ang estado ng edukasyon ng Pilipinas?
Ilan lamang yan sa ating aabangan sa Lunes!