Pangingisda, ligtas na sa Calapan at 2 bayan sa Mindoro matapos ang oil spill

Pangingisda, ligtas na sa Calapan at 2 bayan sa Mindoro matapos ang oil spill

INIHAYAG ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas na ang mangisda sa karagatan ng Calapan at dalawa pang bayan sa Oriental Mindoro matapos ang oil spill mula sa tanker na lumubog noong Pebrero.

Ayon sa BFAR, base sa resulta ng kanilang isinagawang tests, pasok na sa standards para sa fishing activities ang karagatan ng Calapan, Bansud at Gloria.

Gayunman, inirerekomenda pa rin ng ahensiya ang fishing ban sa bayan ng Pila, Pinamalayan, at Naujan dahil sa posibilidad nang kontaminasyon mula sa mga natitirang langis na kailangan pang tanggalin mula sa karagatan.

Dagdag pa ng BFAR, patuloy na magsasagawa ang ahensiya ng time-series observation sa probinsiya na magiging basehan ng kanilang rekomendasyon para sa iba pang concerned agencies at local government offices.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter