Pangulo ng French Olympic Committee, nagbitiw na sa puwesto

Pangulo ng French Olympic Committee, nagbitiw na sa puwesto

NAGBITIW na sa puwesto ang pangulo ng French Olympic Committee na si Brigitte Henriques.

Ito’y kahit nalalapit na ang Paris 2024 Summer Games na gaganapin mula Hulyo 26 – Agosto 11.

Nananawagan din ito sa lahat ng miyembro ng komite na patuloy nilang pahalagahan ang layunin ng kanilang samahan para sa tagumpay ng Paris Olympic at Paralympic Games sa 2024.

Hiningi rin ni Henriques sa International Olympic Committee (IOC) na magsagawa ng internal audit sa French National Olympic and Sports Committee sa gitna ng matagal nilang alitan sa dating general secretary ng komite na inakusahan nito ng psychological violence.

Pansamantala namang hahalili ang general secretary sa puwesto ni Henriques habang hindi pa nakakapaghalal ang mga board of director ng bagong presidente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter