KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang tulong ng World Bank sa paglutas ng mga problema sa bansa.
Ito ay sa gitna ng pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa ilang opisyal ng World Bank Group sa Estados Unidos.
Lubos na pinasalamatan ng Punong Ehekutibo ang tulong ng World Bank partikular sa usapin ng kahirapan, agrikultura, at imprastraktura.
Ipinagmamalaki naman ni PBBM ang patuloy na partnership ng Pilipinas sa World Bank upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.