MMDA at LTFRB, mas pagbubutihin ang pagbibiyahe ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel

MMDA at LTFRB, mas pagbubutihin ang pagbibiyahe ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel

MAS pagbubutihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibiyahe ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel.

Ngayong umaga, ininspeksyon ni MMDA Chairman Carlo Dimayuga at LTFRB Deputy Executive Director Atty. Robert Peig ang Monumento station.

Una nilang napansin ay ang makipot na walkway na nagiging dahilan kung bakit tumatagal ang movement ng mga pasahero.

Plano ng mga ito na palawakin ang mga walkway.

Magpapatayo rin ang MMDA ng mga portable toilets.

Sa kabilang sakayan magpapatayo ng tents ang ahenysa upang mabigyan ng proteksyon ang mga pasahero mula sa init o ulan.

Magdadagdag din ng tauhan ang MMDA sa mga EDSA Busway stations para sa mas maayos na pagbibiyahe ng mga commuter.

Follow SMNI NEWS in Twitter