NAKAUSAP ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. si Ukranian President Volodymyr Zelenskyy kahapon.
Sa isang Tweet, sinabi ng Pangulo na sinabi niya kay Zelenskyy na hinahangaan ng Pilipinas ang katapangan at pagmamahal sa bayan na ipinapakita ng mga Ukrainian sa kabila ng kinahaharap na krisis ng kanilang bansa.
Siniguro din ng Punong Ehekutibo ang suporta ng Pilipinas sa paghahanap ng kapayapaan ng Ukraine.
Kahapon sa isang Twitter post, nauna nang nagpasalamat si Zelenskyy kay Pangulong Marcos sa pagsuporta sa soberanya at territorial integrity ng Ukraine.
Napag-usapan din aniya nila ang pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang bansa partikular na sa international platforms.