National Building Code ng Pilipinas, kailangang mai-update –Sen. Tolentino

National Building Code ng Pilipinas, kailangang mai-update –Sen. Tolentino

KAILANGAN nang mai-update ang National Building Code ng Pilipinas dahil ito ay nabuo noong 1977 pa.

Ayon kay Senator Francis Tolentino sa panayam ng SMNI News, hindi na ligtas ang mga gusali sa kasalukuyan kaya kailangan nang rebisahin bilang paghahanda sa “The Big One.”

Halimbawa rito ang retrofitting at paggamit ng iba pang makabagong teknolohiya para masuri ang katatagan ng isang gusali.

Sinabi rin ni Sen. Tolentino na mainam din kung iniinspeksyon ang mga gusaling ginagawa pa para matingnan kung hindi tinipid ang pagkagawa rito.

Samantala, isa rin sa tinitingnan ang pagtatayo ng mga gusali maliban sa Metro Manila.

Ito’y sakaling mangyari ang malakas na pagyanig ay hindi maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa.

Ang Philippine Fault ay bumabagtas sa ilang lungsod ng Metro Manila na sentro ng komersyo ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter