PORMAL nang bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Nagpaabot naman ng taos pusong pasasalamat ang ilan sa mga nakasama nito sa pamahalaan sa nakalipas na anim na taon.
Ayon sa kanila, si Pangulong Duterte ay matapang ngunit may malasakit.
Mabangis sa mga sumasalungat sa batas, ngunit malambot sa mga nangangailangan.
A man of action din ito at mapagkakatiwalaan na public servant, sinsero at isang ehemplo sa pagiging matapat na lingkod-bayan.
Sa huli, umaasa naman ang mga dating opisyal na kasabay ni Pangulong Duterte na bumaba sa pwesto na itutuloy ng administrasyon ni BBM ang mga nagawang pagbabago para sa bansa ng Duterte administration.