Pangunahing suspek sa naagnas na labi ng OFW sa Kuwait, umamin sa krimen

Pangunahing suspek sa naagnas na labi ng OFW sa Kuwait, umamin sa krimen

UMAMIN na sa naturang krimen ang pangunahing suspek sa pagkamatay ng Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait na si Dafnie Nacalaban.

Ayon ito sa update ng Department of Migrant Workers (DMW).

Si Nacalaban ay ang labi ng OFW na nadiskubreng naaagnas na at nakalibing sa bakuran ng kanyang amo sa Saad Al-Abdullah, Al Jahra, Kuwait noong Disyembre 2024.

Ngunit bago pa man ang pagkakadiskubre ng bangkay nito ay iniulat na sya ng kanyang amo na nawawala noong Oktubre.

Taong 2019 nang mag-umpisang magtrabaho sa Kuwait si Nacalaban.

Sa ngayon ay posibleng magkakaroon ng deployment ban ng mga OFW papuntang Kuwait dahil dito.

Sa kabilang banda, maghahain ng negligence case ang DMW laban sa employer ni Jenny Alvarado, isa pang OFW sa Kuwait na nasawi rin dahil sa coal smoke inhalation.

January 2, 2025 nang maiulat ang pagkasawi ni Alvarado kasama ang Nepalese at Sri Lankan nitong mga kasamahan sa trabaho.

Matatandaan pa nang ipinadala na rito sa Pilipinas ang labi ni Alvarado ay sa Nepalese pa nitong kasama ang dumating noong January 10.

January 16 pa nang maiuwi sa bansa ang totoong labi nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble