Panibago o pagbawi ng salaysay ng mga testigo laban kay De Lima, hearsay lang – DOJ

Panibago o pagbawi ng salaysay ng mga testigo laban kay De Lima, hearsay lang – DOJ

NANINIWALA at kumbinsido ang Department of Justice (DOJ) na maituturing na hearsay lamang ang pagbawi ng salaysay ng ilang testigo sa kaso laban kay dating Senador Leila de Lima.

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi pa kasi nakararating sa korte ang affidavit of recantation ng mga testigo na binawi ang kani-kanilang mga testimonya.

Iginiit ng DOJ na kailangan munang maisumite sa korte ang affidavit of recantation ng mga testigo para maisailalim sila sa cross examination ng prosecution.

Matatandaang apat sa mga testigo sa drug case ni De Lima ang bumawi ng kanilang testimonya at sinabing pinilit lang sila ng ilang opisyales ng nakaraang administrasyon na tumestigo sa kaso.

Follow SMNI NEWS in Twitter