NANINDIGAN at iginiit ni Roy Mabasa na hindi magpapasailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang kanilang mag-anak.
Nauna rito ay nakatanggap ng mga death threat si Roy at kanilang pamilya pero hanggang ngayon aniya ay patuloy pa rin ang mga pagbabanta at pananakot na ipinarating sa isang anak na lalaki ni Percy Lapid.
Ipinaliwanag ni Mabasa na kapag pumasok kasi sila sa WPP ay magiging limitado na ang kanilang kilos at mga aktibidad kaya tiyak na marami sa kanilang dapat gawin para sa paghahanap ng hustisya ang hindi na nila magagawa.
Gayunman ay nagpasalamat si Mabasa sa alok at pagsisikap ng Department of Justice na mabigyan sila ng karagdagang proteksyon.