Inaasahan simula bukas araw ng Martes, magpapatupad ang Pilipinas Shell ng oil price adjustments.
Sa ganap na 6:00 ng umaga, may dagdag na P1.35 ang bawat litro ng gasolina, P0.45 kada litro sa disel habang P0.35 kada litro sa kerosene.
Maging ang Unioil Petroleum Philippines ay nag-anunsiyo na rin ng kanilang pagtataas bukas.
Nasa sa P1.20-P1.40 kada litro ang itataas sa gasolina, samantalang P0.30-P0.40 kada litro sa halaga ng disel.
Ayon sa mga eksperto, ang pagtataas ng halaga ng produktong petrolyo ay dahil sa pagbabawas ng bansang Russia at Saudi Arabia sa produksiyon ng langis.