Panibagong Pinoy horror film na ‘The Caretakers’, sa Miyerkules na

Panibagong Pinoy horror film na ‘The Caretakers’, sa Miyerkules na

MATUTUNGHAYAN na ngayong Pebrero 26, 2025 ang panibagong Pinoy horror film na pinamagatang ‘The Caretakers’.

Tampok sa nabanggit na pelikula sina Iza Calzado at Dimples Romana.

Sentro ang kuwento ng ‘The Caretakers’ sa dalawang ina at sa kung sinuman ang totoong may-ari ng lupa— tao ba o elemento na kinatitirikan ng isang lumang bahay.

Excited na ang dalawa na matunghayan ito ng publiko lalo na’t ito rin ang kanilang kauna-unahang pelikula.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble