‘Pansarap’ Supplemental Feeding Program ni VP Duterte, layong tugunan ang malnutrisyon sa mga estudyante

‘Pansarap’ Supplemental Feeding Program ni VP Duterte, layong tugunan ang malnutrisyon sa mga estudyante

ISINAGAWA ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ang pilot testing ng ‘Pansarap’ Supplemental Feeding Program na layong tugunan ang malnutrisyon sa mga kabataan.

Isa ang malnutrisyon sa mga nakikitang dahilan ng OVP at DepEd kung bakit nahihirapan ang ilang estudyante sa eskuwela at bilang tugon, sinimulan na ang pamamahagi ng Pansarap’ buns.

Ginanap ang pilot testing ng ‘Pansarap’ Supplemental Feeding Program sa Lower Tamugan Elementary School sa Brgy. Tamugan, Davao City.

Ang feeding program na inisiyatibo ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ay may layong solusyonan ang malnutrition sa mga kabataan na isa sa mga nakikitang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga bata na matuto sa loob ng paaralan.

Nasa 733 na undernourished learners ang unang benepisyaryo ng nasabing feeding program.

Sa pamamagitan nito, bibigyan ang mga batang kulang ang timbang ng ‘Pansarap’ buns na may sampung iba’t ibang flavors.

Ang mga bun ay may mga bitamina at mineral na kinakailangan sa child development.

Aprubado ng Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ang ‘Pansarap’ formula.

Halal certified na rin ang mga buns na ipamamahagi sa mga estudyante sa loob ng 120 days mula Lunes hanggang Biyernes.

Plano rin ng OVP na dalhin ang programa sa iba pang bahagi ng bansang may mataas na kaso ng malnutrisyon.

Malapit na ring ipatupad ang programa sa Upi, Maguindanao, na target ang 1,893 mga mag-aaral na nangangailangan ng wastong nutrisyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter