Panukala na nagtatakda ng parusa kung may nuclear damage sa bansa, gumagalaw na sa Kamara

Panukala na nagtatakda ng parusa kung may nuclear damage sa bansa, gumagalaw na sa Kamara

LUSOT na sa komite sa Kamara ang isang panukalang batas na nagtatakda ang parusa sa mga operator ng nuclear energy.

First Person: ‘I move to approve House Bill 8623.

Second Person: ‘There’s a motion to approve House Bill 8623. Is there any objection? Hearing none, House Bill 8623 is hereby approved.’

‘Yan ang hakbang ng House Committee on Nuclear Energy kaugnay sa panukalang batas na magtatakda ng parusa kung magkakaroon ng Nuclear damage sa bansa.

Malaki-laking parusa ang kahaharapin ng isang nuclear power operator kung makagdudulot ito ng danyos.

Batay ito sa international standards na ipinapatupad ng mga bansang gumagamit ng nuclear energy.

“Nuclear damage is a defined term that includes loss of life or physical injury, loss or damaged property, and then a series of economic loss categories or heads of damage,” pahayag ni Atty. Helen Cook, Consultant, House Committee on Nuclear Energy.

Kapag isa sa mga nabanggit ang naidulot na nuclear damage, itinatakda ng panukala ang compensation.

Batay sa international standards, nasa 450 Million USD ang standby fund para dito o mahigit sa P25-B.

“So, there is no limit on an individual claim or an individual victim they make. They may claim the full spectrum of the nuclear damage. But there is an overall limit on the operator’s liability and it is kept at P300 million special drawing rights or approximately 450 million USD,” dagdag ni Cook.

Ayon kay Pangasinan Rep. Mark Cojuangco na chairman ng Nuclear Energy Panel, ginagarantiya ng panukala na hindi tatakbo ang operator kung magkaroon man ng disgrasya sa planta.

“Never po natin dini-deny na posibleng mag-melt down pero may containment tayo-safe talaga ang nuclear. But still may theoretical possibility diba? So kung may mangyari, whatever it is… Papaano makakasiguro na ang mag-reklamo na nasaktan siya ay madidinig at mababayaran ang damage, kung meron mang damage. So itong bill is setting up the process at ‘yung amount,” ani Rep. Mark Cojuangco, Chairman, House Committee on Nuclear Energy.

Isa si Cojuangco sa mga nagsusulong na buhayin muli ang Nuclear Power Plant.

Umaasa ito na mangyayari sa Marcos Jr. administration ang kaniyang ninanais.

Kaya habang hindi pa ito nangyayari, dinidinig na nila sa Kongreso ang mga panukala para magkaroon ng kumpiyansa ang mga Pinoy sa paggamit ng enerhiyang nuklear.

Kagaya ng kanilang inaprubahan komite.

“Ngayon, kung meron pong ganiyan nakakasiguro po ang mga vendors na because it is the operator that is liable, wala silang pangamba na kung ano-anong klaseng demanda ang aabutin nila dito. So darating sila para mag-participate sa ating nuclear industry. (Mas magiging bukas ang Pilipinas? Exactly hindi sila matatakot,” ayon pa kay Cojuangco.

Isasapinal pa ngayon ang lalamanin ng panukala.

At hihimayin ang nilalaman nito ng isang technical working group.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble