Safety features at tibay ng BNPP, ipinaliwanag ng isang mambabatas

Safety features at tibay ng BNPP, ipinaliwanag ng isang mambabatas

INILAHAD ni House Committee on Nuclear Energy, Pangasanin Rep. Mark Cojuangco na ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) ay ginawang matibay laban sa anumang sakuna lalo na ang malakas na lindol

Aniya, mayorya ng mga gumawa ng naturang power plant ay pawang mga kababaihan.

Pagkatapos ng limang oras na biyahe mula Quezon City ay narating namin ang BNPP sa Morong Bataan.

Ang pagpunta namin doon ay bahagi ng media tour ni Rep. Mark Cojuangco.

Unang pinakita sa amin ang electric system na nagpapaikot sa mga turbine ng planta.

“‘Yung tumatanggap ng high-pressure, high temperature na steam para mapaikot ang blades niya, ang turbina niya, yung shaft niya para paikutin yung generator na naglilikha ng 620 megawatts,” saad ni Rep. Mark Cojuangco.

Kapansin-pansin na kalawangin na ang mga parte ng BNPP.

Pero ayon kay Cong. Cojuangco, ang planta ay ginawang matibay laban sa anumang sakuna lalo na ang malakas na lindol.

“Check po yung pader, eto wala nang hollowblocks dito puro buhos na ito… Seismic, seismic bracing. Ay grabe, if there’s an earthquake this place will run too,” dagdag ni Cojuangco.

Pinabulaanan naman ni Cojuangco ang mga balitang ang mga magsasaka ang nag-welding sa BNPP.

Aniya, certified US certified ang mga gumawa nito at mayorya…. mga kababaihan.

“Ang dahilan ni Bishop So kung bakit niya tinututulan to… Ang sabi niya ang nag-welding diyan fisherman… Hindi po fisherman… Ang nag-welding po dito sa lahat ng planta ay mga American welding society certified welders mostly babae. Dahil maganda ang pulso ng babae at saka magandang mag-record keeping ang babae kaya mostly babae ang na-hire nila. I challenge all of you, to find welding as nice as this anywhere in the Philippines,” aniya.

Kung tutuusin ayon sa mambabatas, di hamak na mas matibay ang BNPP kumpara sa mga nuclear plant sa Amerika.

Kaya wala aniya dapat ikatakot para ito’y buhayin at gamitin.

“Alam mo sa Amerika, ang welding nito X-ray inspected. Pero dahil ginawa ito sa Pilipinas, ni-require nila 100% X-ray inspection. So may argumento na mas ligtas pa itong plantang ito, mas dekalidad pa itong plantang ito kaysa itong mga nuclear plant sa Amerika by the virtue of more extensive inspection,” aniya pa.

Tinungo rin namin ang inner containment dome kung saan ilalagay ang nuclear reactors.

“Well that’s the cover no… the reactor is down there on the floor,” ayon pa sa mambabatas.

“Ito ang control room ng Bataan Nuclear Power Plant. Marami ang nagsasabi na ito ay para kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. dahil ang pasilidad na ito ay itinayo ng kanyang yumaong ama, si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. pero buhat nang ito ay maitayo taong 1986, ang pasilidad na ito ay hindi nagamit para mag-produce ng mura at malinis na kuryente,’ aniya.

Ayon kay Cojuangco, lahat ng parte ng planta ay kayang palitan ng bago ng kumpanyang gumawa nito na Westing House Electric.

Kung magamit man ito ngayon, kaya nitong suplayan ang 10% power requirement ng buong Luzon Grid.

Halos taon-taon, mahigit P50-M ang budget ng pamahalaan para sa maintenance ng planta kahit hindi man kailanman ito nagamit.

Nang pumasok ang Cory Aquino administration hanggang ngayon, ay nababalot pa rin ng isyu ang BNPP.

At ngayong ang anak ng dating nagpatayo nito ang Pangulo ng bansa, nakikita kaya ni Cojuangco na magagamit sa bansa ang nuclear power?

Bagay na kinokonsidera naman aniya ng Malacañang.

“I don’t know? I’m just laying out the facts… Bahala na siyang mamili basta dapat yung historical facts totoo. Bahala siya… Kasi nagko-consider din siya ng pulitika eh?” ayon kay Cojuangco.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

 

Follow SMNI NEWS in Twitter