APRUBADO na sa ikatlo’t huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 4513 na magbibigay ng mabigat na parusa laban sa game fixing.
Batay sa panukala, game fixing o pandaraya ang tawag para manalo sa isang laro kapalit ng pera.
Saklaw ng panukala ang mga professional o amateur sporting events.
Makukulong naman ng 3-6 na taon ang lahat ng mapaparusahan ng panukala at P1-M hanggang P5-Mna multa.
6-12 taong pagkakabilango naman at P1-M hanggang P5-M na multa ang kakaharapin kung ang mga paparusahan ay mismong ang manlalaro, promoter, referee, umpire, judge, o ang coach.