INIHAIN na sa Kamara ang isang panukala na magbibigay ng legal framework para sa planong merger ng Land Bank of the Philippines (LBP) at ng Development Bank of the Philippines (DBP).
Layunin ng House Bill No. 7685 ni Parañaque City Rep. Gus Tambunting na masungkit ng merger ng dalawang bangko ang pagkakaroon ng mas ‘efficient’ at ‘competitive’ na banking service sa mga priority sector.
Halimbawa dito ang serbisyo para sa agriculture/ agrarian reform, small medium enterprises, infrastructure at public services.
Sinabi na ni Finance Sec. Benjamin Diokno na ang LBP-DBP merger ay magreresulta sa pagkakaroon ng pinakamalaking bangko sa Pilipinas.
Tinatayang aabot sa 4.18 trillion pesos ang pinagsamang asset size habang 3.59 trillion pesos ang deposit base.