Panukalang 2024 national budget, pipirmahan bago mag-Pasko—PBBM

Panukalang 2024 national budget, pipirmahan bago mag-Pasko—PBBM

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na posibleng lagdaan niya ang panukalang P5.768-T national budget para sa Fiscal Year 2024 bago ang Pasko.

Sa panayam ng media sa Muntinlupa City nitong Biyernes, sinabi ni Pangulong Marcos na hinihintay na lamang niya ang bicameral report ng proposed national budget.

Ani Pangulong Marcos, kapag makarating na sa kaniyang opisina ang report at maisapinal ay agad niya itong pipirmahan.

“But certainly, the minute it is finalized then we will immediately, of course, pass the budget. We have been going through the consultations through the whole of the year for that matter and I would be very surprised if there are other issues that will suddenly arise that we hadn’t anticipated or hadn’t resolved, put it that way. So, I don’t see any problem to that,” ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Matatandaang noong Disyembre 11, inaprubahan ng bicameral conference committee ang pinal na bersiyon ng panukalang pambansang pondo para sa 2024.

Itinakda ang 2024 budget upang suportahan ang mga magsasaka tulad ng patubig, libreng binhi, abono, at iba pang kagamitan.

Tiniyak din ng badyet ang patuloy na pagbibigay ng libreng pagpapagamot, dekalidad na serbisyong ospital, at gamot para sa mga mamamayang nangangailangan.

Ibinida rin sa 2024 budget ang ibinigay na karagdagang pondo sa Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi naman ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate Finance Committee na walang inilaang alokasyon sa Confidential and Intelligence Funds (CIF) para sa non-security agencies sa ilalim ng pinag-isang bersiyon ng 2024 General Appropriations Bill (GAB).

Sa kabuuang proposed budget, ani Angara, P9-B o 0.02 porsiyento lamang ang inilaan para sa CIF sa 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble