Panukalang batas na magpapalakas sa proteksiyon, karapatan ng Filipino migrant workers inaasahan ngayong taon 

Panukalang batas na magpapalakas sa proteksiyon, karapatan ng Filipino migrant workers inaasahan ngayong taon 

NANATILING positibo si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo na ganap nang maisasabatas ang panukala nitong Magna Carta of Filipino Migrant Workers ngayong taon.

Matapos na ilang beses na hindi matuluy-tuloy ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dito.

Ang nasabing panukala ay pasado na sa Kongreso at Senado at tanging pirma na lamang ni Pangulong Marcos ang kulang upang makamit na ng mga manggagawang Pinoy abroad ang nararapat na mga benepisyo at karapatan para sa hindi nila matatawarang sakripisyo sa ibayong dagat.

Sakop ng panukalang Magna Carta of Filipino Migrant Workers ang land at sea based na manggagawang Pinoy abroad at maging sa Pilipinas.

Sakaling ganap nang maisabatas ito, mas mapapalakas pa ang karapatan at proteksiyon ng mga manggagawang Pinoy.

Gayundin ang tama at maayos na implementasyon at tungkulin ng ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration, Bureau of Immigration, Department of Labor and Employment (DOLE), at private sectors o manning agencies kabilang na ang obligasyon ng mga employer at mga employee nito.

Ani Salo ang batas na ito ay malaking tulong din upang mapalakas ang domestic maritime industry ng bansa at payamanin ang kakayahan ng mga ito pasimula sa kanilang training na mapapasailalim sa MARINA mula sa CHED.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble