Panukalang pagbibigay ng internet subsidy sa mga mag-aaral, ihahain sa Senado

PLANONG maghain ni Senator Sherwin Gatchalian ng isang panukalang batas na magbibigay ng internet subsidy sa mga estudyante sa bansa.

Ito ay bilang antisipasyon ng senador na blended learning na ang talagang haharaping modality sa pagtuturo sa mga bata.

Aniya, kailangang kombinasyon ng face to face classes at online learning ang kailangang maging sistema sa edukasyon ng bansa, kasabay ng pagsasabi na nahaharap sa ibat ibang kalamidad ang bansa tulad ng volcanic erruption, bagyo at lindol.

At dahil dito hindi aniya dapat mahinto ang pag-aaral ng mga bata.

“Meaning, we will have both physical face-to-face classes and both internet-based learning. This is the future of learning that we should look at. We cannot just go purely face-to-face or purely internet, it has to be a combination,” pahayag ni Gatchalian.

Aminado ang senador na malaking hamon pa rin sa mga estudyante ang internet connection at ito aniya ang kaniyang tutukan sa pamamagitan ng pagbibigay ng subsidiya.

“We will now address the issues of the teachers, but we should also address the issues of the learners because some of them don’t have access to the internet because of the cost and we have to look into that and that is not in the budget yet,” ani Gatchalian.

Aniya ang internet connection ay para na ring tubig na isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao kaya dapat lamang aniya maibigay ito sa mga mag-aaral.

Aminado naman ang senador, na mangangailangan ng napakalaking budgetary support ang panukala.

Pero pagtitiyak nito na hahanapan nila ito ng pondo.

SMNI NEWS