Panunupil sa peace rally, pwedeng mag-udyok ng marahas na underground movement−former political prisoner

Panunupil sa peace rally, pwedeng mag-udyok ng marahas na underground movement−former political prisoner

DAHIL sa patuloy na panggigipit ng kasalukuyang administrasyon sa mga isinasagawang peace rally, posible umanong mauwi ito sa underground movement para maipahatid ang hinaing ng taumbayan sa pamahalaan.

Kaugnay ito sa ginagawang pagsikil ng administrasyon sa mga inoorganisang MAISUG Peace Rally sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Magugunita na hindi natuloy ang peace rally sa Tacloban City nitong weekend matapos na magmistulang parking lot ang Remedios Trinidad Romualdez Plaza kung saan idadaos ang pagtitipon.

Ayon kay dating political prisoner ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Peter ‘Ka Ramon’ Mutuc, posibleng mag-udyok ito ng marahas na underground movement kung ipagpapatuloy ng administrasyon ang ginagawang paghadlang nito sa malayang pamamahayag.

Sa pananaw naman ni Atty. Marlon Bosantog, national coordinator ng IPRA Center, hindi magiging maganda ang kalalabasan kung patuloy na susupilin ang mga isasagawang peace rally.

“If you look at how political struggle are created, it’s better that people are going to the streets kasi ang alarming silence mas nakakatakot ‘yun, gustong mag salita pinigilan, ito ‘yung sabi ko nung last episode eh, ‘pag sinabi mo sa tao gustong magsalita ‘wag kang masalita diyan, di ako pinayagan eh, they will look for alternative to speak which can be dangerous. For me it’s better that you allow people to speak because you have the opportunity to respond and to explain, that is proper governance. But if you will not allow them to speak, they will find other ways to speak maybe not megaphones, diyan lumalabas ang ating political struggle,” ani Atty. Marlon Bosantog, National Coordinator, IPRA Center.

Sa huli ay pinaalalahanan ni Bosantog ang BBM administration na mas mainam na hayaan na lamang magkaroon ng mapayapang pagtitipon-tipon ang taumbayan kaysa mauwi sa marahas na kilusan gaya na lamang sa yumaong ama ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos kung saan isinilang ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army at National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na kung saan ‘di mabilang na buhay ng mga Pilipino ang nasayang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble