KINONTRA at mariing tinutulan ng Public Attorney’s Office (PAO) ang nais ng ilang mga health experts na pag-aralan muli ang Dengvaxia vaccine matapos na dumami ang dengue cases sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Kaugnay nito ay nanindigan si PAO chief Atty. Persida Rueda-Acosta na hindi naman napatunayang ligtas ang naturang dengue vaccine at kinansela na ng Food and Drug Administration (FDA) ang certificate of registration nito.
Sinabi ni Acosta na umabot na nga sa 166 ang nasawi dahil sa Dengvaxia na dinivelop ng French drug maker na Sanofi Pasteur at ito aniya ay resulta ng autopsy na isinagawa ng forensic team ng PAO sa mga biktima.
Nauna rito ay hiniling ng mga infectious disease experts na sina Dr. Rontgene Solante at Dr. Edcel Salvaña na pag-aralang muli ang Dengvaxia vaccine.