PAOCC, nakatanggap ng death threats hinggil sa kanilang POGO investigation

PAOCC, nakatanggap ng death threats hinggil sa kanilang POGO investigation

NAKATANGGAP ng death threats ang ilang personnel ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Sa gitna ito ng kanilang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa iligal na mga operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Sa pahayag ni PAOCC Spokesperson Winston Casio, posibleng pananakot lamang ang kanilang mga natanggap subalit tiniyak nilang mag-iingat sila hinggil dito.

Batay sa datos na nakalap ng PAOCC, nasa tatlong daang mga POGO ang iligal na nag-ooperate sa bansa at ayaw magpa-regulate sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble