PAOCC, nilinaw na walang kasong nakahain kay Wesley Guo

PAOCC, nilinaw na walang kasong nakahain kay Wesley Guo

NILINAW ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na wala pang nakahain na kaso laban sa kapatid ni Alice Guo na si Wesley.

Si Alice at kapatid niyang si Shiela, Cassandra Ong, kanilang mga magulang at iba pa ang nahaharap sa ilang kaso.

Nauna nang sinabi na handang mag-surrender si Wesley ayon sa kaniyang abogadong si Stephen David.

Bagamat inosente aniya siya, sinabi ni Wesley ayon sa abogado nito, wala nang saysay ang kaniyang pagtatago.

Hindi naman idinetalye ni David kung saan si Wesley ngayon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble