NAIPA-deport na ang nasa 70 mula sa 75 Chinese nationals mula sa naganap na raid sa Pasay kamakailan.
Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), nitong Setyembre 7, 2024 nang makaalis ang Chinese nationals.
Katuwang naman ng PAOCC sa deportation ang Bureau of Immigration (BI).
Sa ngayon, ang lima ay nananatili pa sa bansa dahil nahaharap ito sa iba’t ibang kaso sa mga local court.