SA kaniyang pagharap sa buwanang Quezon City Journalist Forum, sinabi ni QC Councilor Wency Lagumbay, chairperson ng Committee on Ways and Means sa QC Journalist Forum na naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan.
Sa katunayan, natapos na nila ang clearing sa lahat ng drainage system ng lungsod, hakbang para maiwasan ang mga pagbaha lalo na sa mga mabababang lugar.
Para mas lalo pang mapaghandaan na walang maaapektuhang komunidad tuwing tag-ulan, hiniling na rin nito ang kooperasyon ng publiko partikular na ang responsableng pagtatapon ng basura.
Tuluy-tuloy rin naman ang education at information dissemination sa pag-iipon ng tubig at kinakailangang paghahanda tuwing sasapit ang panahon ng tag-ulan.