Paraan ng pagkamatay ng top NPA leader na si Ka Oris, hindi na mahalaga —Pastor Apollo C. Quiboloy

Paraan ng pagkamatay ng top NPA leader na si Ka Oris, hindi na mahalaga —Pastor Apollo C. Quiboloy

NANINIWALA si Pastor Apollo Quiboloy na hindi na mahalaga kung sa papaanong paraan ang pagkamatay ng top NPA leader at most wanted terrorist na si Jorge Madlos o Ka Oris.

Ito’y matapos na pasinungalingan at patuloy na idinidiin ng pamilya ni Madlos na hindi sa engkwentro nasawi ang Top NPA leader kundi sa isang ambush.

“Pero kung halimbawa ambush, di ba ang NPA mahilig din mang-ambush? Ba’t nagrereklamo sila kasi kalaban sila ng bayan at ang militar ang humahabol sa kanila. Kung inambush sila ng military dahil sa war zone pa rin sila, eh anong deperensya doon?” ayon kay Pastor Apollo.

Ang mahalaga ani Pastor Apollo, ang makitang nasupil na ang isa sa mga ulo ng komunistang grupo sa bansa na matagal nang pabigat at problema ng pamahalaan.

“Wala akong nakikitang isyu doon, ang resulta nakikita natin. Kung namatay siya sa ambush, pareho pa rin. Either encounter or ambush basta ang objective ng mga military is i-neutralize ang mga leader at mga kadre,” ayon sa butihing Pastor.

Ani Pastor Apollo, unti-unti nang ibinabababa ang kasagutan ng Panginoon sa matagal nang dasal ng marami na matapos na ang suliranin sa insurhensiya dulot ng CPP-NPA-NDF sa bansa.

Bukod sa kasagutan ng langit, katuwang din dito ang araw-araw na programa ng SMNI na Laban Kasama ang Bayan na patuloy na nagbibigay ng kaalaman, impormasyon at kamalayan laban sa mga patuloy na panlilinlang ng komunistang grupong ito.

‘’Ayan sagot na ng ating Panginoong Diyos yan…purihin ang Ama,’’ayon sa butihing Pastor.

SMNI NEWS