TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang korapsyon sa kanyang sistema.

Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte ngayong araw, binigyang diin nito na walang korapsyon sa kanyang sistema.
“Walang korapsyon sa aking sistema,”ayon kay Pangulong Duterte.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Duterte sa kanyang pre-recorded speech ngayong araw.
Kaugnay ito sa mga hinala ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon na tumatayong abogado ang pangulo para sa mga personalidad ng Pharmally na kasama sa kanilang iniimbestigahan.
Magugunitang iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon ang umanoy COVID-19 response fund controversy na kinasasangkutan ng Pharmally.
Saad ng Pangulo sa paratang ni Gordon, hindi siya aabot sa pagiging pinuno ng bansa kung korap siya kagaya ng senador.
Maaari umanong sa ibang bagay siya magiging korap pero hinding-hindi sa pera.
Wala din umano siyang pakialam kung gisahin ng isang taon ang Pharmally.
Nilinaw lang nito na huwag lang isama dito ang mga empleyado ng executive gaya ng cabinet members.
