Parañaque City pormal ng kinondena ang CPP-NPA-NDF

Parañaque City pormal ng kinondena ang CPP-NPA-NDF

NGAYONG araw ay pormal na inanunsyo ng Parañaque City ang pakikiisa sa gobyerno sa laban nito sa terrorismo sa pamamagitan ng hayagang pagkokondena sa CPP-NPA-NDF.

Pormal nang inanunsyo ng City Peace and Order ng Parañaque ang kanilang pagkokondena sa CPP-NPA NDF.

Una nang sinabi ng DILG na isa ang Parañaque sa mga nagpasa ng resolusyon na nagdedeklara sa teroristang grupo bilang persona non grata.

Ito ay paraan ng LGU para makiisa sa inisyatiba ng national government sa laban nito sa terrorismo at insurgency

Maliban riyan ay pinirmahan din ng LGU sa panguguna ni NCRPO Chief Vicente Danao at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang resolusyon ng pagtatayo ng City and Barangay Taskforce to End Local Armed Conflict sa mga barangay level ng lungsod bilang pakikibahagi sa whole of the nation approach ng pamahalaan para sa pagpapanatili ng kapayapaan laban sa komunismo.

Pinaalalahanan naman ni Danao ang mga namumuno sa gobyerno na ang matagumpay na laban sa insurhensya ay mangyayari lamang sa pamamagitan ng tapat na pamumuno.

Ang pahayag na ito ng NCRPO Chief ay nag-ugat sa naging karanasan nito sa kaniyang unang pagtalaga sa Surigao del Sur tatlumpung taon na ang nakakaraan.

Aniya, dahil sa mga abusador na pulis at sundalo doon na nanghihingi ng kapalit sa mga taong dumadaan sa check point kaya nagkaroon ng  mga encounter doon at marami ang nare-recruit ng mga komunistang grupo noon.

Ikinuwento naman nito ang  isang malagim na  encounter sa Surigao del Sur kung saan ay umatake ang 250 na mga NPA nagbunsod ng pagkamatay sa 50 na mga rebelled.

Karamihan sa nasawi ay mga bata at lango sa droga bagay na patunay na walang patutunguhan ang pinaglalaban ng komunistang grupo laban sa gobyerno.

Samantala, 16 na mga dating NPA ang nagbalik loob at sumuko ngayong araw sa Parañaque LGU.

Ayon kay MGen. Danao ang mga returnees ay nagmula hindi lamang sa Parañaque kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Hinikayat din nito ang iba pang rebelde na sumuko na at sunggaban ang oportunidad na inilalaan sa kanila ng Duterte Admin sa oras na sila ay sumuko sa pamahalaan.

Ang mga returnees ay nakatanggap ng P10,000 cash assistance at maiipapasok sa trabaho na gusto ng mga itong pasukin sa lungsod ng Parañaque.

(BASAHIN: Pagdeklara ng LGUs na persona non grata ang CPP-NPA-NDF, hindi sapilitan —DILG)

SMNI NEWS