INANUNSIYO ng Neuwave Events & Productions isang local event organizer na magkakaroon ng solo concert sa Pilipinas ang K-pop singer at former member ng grupong 2NE1 na si Park Bom.
Ito ang kauna-unahang solo fan concert ng K-pop star sa bansa matapos na ma-disband ang kanilang grupo noong 2016 na kinabibilangan nina Minzy, CL at Sandara Park.
Gaganapin ang concert sa New Frontier Theater, Quezon City sa Hunyo 10 na pinamagatang “You & I”.