MAKALIPAS ang limang taon nakatakdang ipalabas bukas, December 10 ang bagong album ng bandang parokya ni Edgar.
Ang parokya ni Edgar ang nagpasikat sa mga awitin tulad ng “Harana,” “Halaga,” at “Buloy.”
Ayon sa lead vocalist ng banda na si Chito Miranda nakatakda nilang ipalabas ang album na may pamagat na borbolen.
Ang nasabing album ay kasunod ng huling album nilang “pogi years old” kung saan ilan sa mga awitin sa album ay isinulat niya limang taon na ang nakaraan at ang ilan naman ay sinulat nila sa panahon ng pandemya.
Available ang naturang album sa lahat ng digital platfroms tulad ng Spotify, Music at Deezer.