MASASAKSIHAN sa ilang bahagi ng mundo ang isang partial lunar eclipse ngayong araw, November 19.
Magsisimula ang eclipse, 3:20 ng hapon habang 5:04 ng hapon masasaksihan ang maximum eclipse.
Tinatansyang matatapos naman ito 6:47 ng hapon.
Ito na rin ang huling partial lunar eclipse na mararanasan ng mundo ngayong taon.
Hindi lamang umano makikita sa Pilipinas ang kabuoan ng partial lunar eclipse.