Planong pang-ekonomiya ni Sen. Bong Go, inilatag

Planong pang-ekonomiya ni Sen. Bong Go, inilatag

INILATAG ni Senator Christopher Bong Go ang kanyang planong pang-ekonomiya at business sa harap ng mga miyembro ng pinakamalaking business organization sa bansa na Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Gamit ang kanyang battle cry na ‘’Serbisyong may tapang at Malasakit’’, ipinangako ni Go ang pagpapatuloy, pagpapalakas at pagpapabuti pa ng mga programa ng administrasyong Duterte tulad ng “Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso, Microfinancing scheme program na nagbibigay ng assistance sa micro, small at medium enterprises o MSMEs lalo na sa mga sobrang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Go na hangad ng kanyang administrasyon ang recovery sa 2022 sa pamamagitan ng pagbibigay ng assistance sa MSMEs ng access sa credit at financial assistance sa mga distressed businesses at ang pag-aatas sa government financial institutions na mag-expand ng credit programs nag-aalalay sa mga apektadong MSMEs na maabot ang kanilang liquidity needs.

Inihayag din ni Go, sa harap ng PCCI members na naniniwala siyang kailangang magpatuloy ang Build Build Build program para umusad ang economic recovery habang plano din niyang ipagpatuloy ang  pakikipagtulungan sa private sector, mapabuti ang tax collection at isulong ang prudernt fiscal management upang matiyak ang sustainability ng programa.

Tiniyak din ni Go ang tulong pang-ekonomiya sa agriculture at fisheries sectors at pagbutihin pa ang National Rice Program, Rice Competitiveness Enhancement  Fund at iba pang programa para sa mga magsasaka at fisherfolks

Idinagdag pa ni Go  ang kanyang suporta sa digital transformation at pagdagdag ng  productivity kung saan nabanggit din ang E-governance act, ang mas pinalawak na access sa quality education  kung saan libre ang matrikula sa mga state colleges and universities.

SMNI NEWS