TINALAKAY ang posibleng partnership ng Pilipinas at New Zealand sa paghahatid ng vocational education sa mga Pilipino.
Ito ang naging sentro ng diskusyon nina TESDA Director General Danilo P. Cruz at New Zealand Ambassador to the Philippines Peter Kell ngayong umaga sa TESDA Central Office.
Pinag usapan ng dalawang opisyal ang mga paraan upang maiugnay ang TESDA sa Te Pukenga, isang vocational education provider sa New Zealand.
Dumalo rin sa pulong sina TESDA Deputy Director General Rosanna Urdaneta, TESDA DDG Aniceto “John” Bertiz III, at iba pang opisyal ng TESDA.