MULING binigyang-diin ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na ‘zero corruption’ ang isa sa pangunahing plataporma niya kung ito’y manalo bilang senador sa 2025 midterm polls.
Sa pahayag ng Butihing Pastor, isang malaking kasalanan ang korapsiyon.
Kung baga aniya, ito ay kasalanang nakamamatay.
Hindi lang ito pagnanakaw sa pera ng bayan kundi harapang pangungulimbat ng mga halang ang kaluluwa.
Pandarambong aniya ito na ginagamit ang posisyon na ipinagkatiwala sa kanila ng taong-bayan.
Ang nararapat na parusa pa nga dito ani Pastor Apollo ay kamatayan.
Samantala, muling ipinaalala rin ng Butihing Pastor sa bayan na huwag ipagbili ang boto sa kahit sino.
Aniya, ang mga mapaniil na pinuno ay nililikha lang din ng mga taong nagbebenta ng kanilang boto.