KINILALA ng Department of Health (DOH) ang ilang mga LGU tulad ng Taguig at Pasig City dahil sa mga naging ambag nito sa larangan ng kalusugan.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng 35th anniversary ng ahensya na may temang “A Salute to Champions for Health”.
Ang Pasig City ay kinilala ng DOH Metro Manila Center for Health Development bilang “Best City in NCR” na mayroong best sanitation practices and programs at “Best in National Aedes-Borne Viral Diseases Prevention and Control”.
Ito ay dahil na rin sa magagandang programa ng lungsod kontra dengue.
Samantala, ang lungsod ng Taguig ay kinilala naman bilang “Best Implementor” ng Non-Communicable Diseases and Prevention Control sa panahon ng pandemya.
Ang mga non-communicable diseases ay kagaya ng diabetes, hypertension, asthma; cancer tulad ng cervical at breast cancer.