Pasig River Ferry Service, nanatiling libre para sa mga fully vaccinated

Pasig River Ferry Service, nanatiling libre para sa mga fully vaccinated

NANATILING libre ang pagsakay sa Pasig Ferry Service pero para lamang sa fully vaccinated na mga indibidwal.

Ito’y matapos magbalik- operasyon ang serbisyo nito matapos ang masusing paglilinis at disinfection ng mga pasilidad nito laban sa COVID-19.

Ang polisiya ay alinsunod sa  patakarang “no vaccination, no ride/entry” ng Department of Transportation (DOTr) sa mga pampublikong transportasyon sa National Capital Region (NCR) habang umiiral ang Alert Level 3 o higit pa.

Kaya’t pinaalalahanan ang mga pasahero na huwag kalimutang dalhin ang kanilang vaccination card at valid identification card (ID).

Magsuot din ng face mask habang nasa loob ng mga istasyon at pati na rin sa ferry boat para sa kaligtasan ng lahat laban sa virus.

Isasailalim din sa temperature check at kailangang mag-fill-up ng manifest at commuter information sheet bago sumakay.

Paghihigpit sa mga unvaccinated vs COVID-19, dinepensahan ni Duterte

Samantala, muling dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghihigpit sa mga hindi bakunado ngayong mataas na naman ang mga kaso ng COVID-19.

Ito ay kasunod ng pagpapatupad ng “no vaccine, no ride” policy sa mga pampublikong transportasyon at ang utos sa mga barangay captain na kunin ang pangalan ng mga residenteng hindi pa bakunado.

“But I said when it — including the what is needed by government to do at this time, for example, a declaration of a pandemic and it becomes a worldwide thing, your rights must observe the rights of others to protect the good, the public good of all,” saad ng Pangulo.

Follow SMNI News on Twitter