WALANG pasok sa ilang paaralan sa Luzon at Visayas ngayong Lunes, Oktubre 21, 2024 dahil sa Tropical Depression Kristine.
Isa sa walang pasok sa Luzon ay ang lahat ng antas ng pampublikong paaralan sa Cavite.
Habang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Camarines Norte at Camarines Sur.
Sa Visayas ay lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Dagohoy, Bohol habang sa lahat ng antas ng pampublikong paaralan sa Panay, Capiz.
Alas dose ng hating gabi kanina nang ito’y makapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).