Pastor ACQ at SMNI, kinilala sa malaking ambag vs recruitment ng mga kalaban ng bansa

Pastor ACQ at SMNI, kinilala sa malaking ambag vs recruitment ng mga kalaban ng bansa

SA isang one-on-one interview ni Pastor Apollo C. Quiboloy kay National Youth Commission Chair Ronald Cardema, isa sa mga sentrong usapin ang recruitment sa kabataan na maging myembro ng teroristang grupong New People’s Army (NPA).

Kasunod nito ay isang tripartite memorandum of understanding sa pagitan ng NYC, SMNI at Keepers Club Int’l ang pinagtibay upang mas mapalakas ang pagsusulong ng mga adbokasiya na magtataas ng kamalayan ng kabataang Pilipino na mahalin ang bansa.

Kinilala rin ni Cardema ang malaking ambag ng SMNI sa pagmumulat sa mamamayang Pilipino na matuldukan ang recruitment ng mga NPA sa kabataan.

Samantala, ibinahagi ni Cardema ang kanyang karanasan nang maging myembro siya ng kilalang front organization ng CPP-NPA-NDF na Kabataan Party-list, at League of Filipino Students, kung saan niya napagtanto na hindi mabuti ang dulot ng mga grupo sa mga kabataan.

Dagdag pa ni Cardema, kailanman ay hindi rin tinugunan ng Kabataan Party-list ang panawagan ng mga magulang na nawalan ng anak dahil sa rebeldeng kilusan.

Kaya naman ani Cardema, kailanman ay hindi maaaring kasama ang Kabataan Party-list na hubugin na maging makabayan ang mga kabataang Pilipino.

Kaugnay rito, una nang sinabi ni Pastor Apollo na hindi na dapat tawagin na NPA ang mga rebeldeng komunista, kundi Jomasta, JSTA o Joma Sison terrorist army.

Matatandaan unang ideneklara ang Anti-Terrorism Council ang Communist Party of the Philippine-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bilang mga teroristang grupo.

Follow SMNI NEWS in Twitter