Pastor ACQ ibinulgar na nanganganib ang buhay; KOJC leaders, properties plano rin daw tugisin

Pastor ACQ ibinulgar na nanganganib ang buhay; KOJC leaders, properties plano rin daw tugisin

SA isang audio message, diretsahan nang ibinulgar ni Pastor Apollo C. Quiboloy na nakatanggap aniya siya ng impormasyon mula sa kaniyang reliable sources, na may banta na ang kaniyang buhay, dahilan ng kaniyang hindi pagpapakita sa publiko.

“Sapagkat ang buhay ko ngayon ay nanganganib. Kahit mukha ko hindi ko pwedeng ipakita sa inyo. Ako po ay siguradong papatayin,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

Ayon daw sa kaniyang reliable sources, mayroon nang patong ang kaniyang ulo buhat sa CIA at FBI ng Amerika.

“Ang reliable sources dumating sa akin, ang ulo ko po ngayon may patong na $2 million or 100 milyon pesos, ang ipinatong sa ulo ko. Baka ‘yan ay madagdagan pa kung may maunang makapatay sa akin,” ayon kay Pastor Apollo.

Halos anim na taon na ang nakalipas nang pumutok ang kabi-kabilang akusasyon laban kay Pastor Apollo sa Amerika na hanggang ngayon na kahit isa ay wala pa rin aniyang napapatunayan.

“Mula po noong 2018, ako ay linigalig na at ang aking kongregasyon. Nang walang dahilan, ginawan kami ng kaso doon sa bansang Amerika. Sumunod kami sa batas, kung kami [ay] sinabi na lang mayroon kaming violations na hindi pa napatotohanan, iyan po ay nasa kanilang federal court na,” dagdag ni Pastor Apollo.

Nasa 20 mga batikang abogado sa Amerika ang kinuha ng kampo ni Pastor Apollo, at aniya handang-handa silang humarap sa 43 counts ng kasong isinampa laban sa kaniya, kabilang ang alegasyong sex trafficking, fraud, coercion, cash smuggling, ngunit palagi na lang aniya naaantala ang paglilitis.

“Naghihintay po ang aking mga lawyer sa Amerika at sa Pilipinas na simulan ang trial mula 2018 – pinostpone, ginawang 2020 – pinostpone, ginawang 2022 – pinostpone, 2021 ganoon din. 2023 [na] sana pinopostpone – [ito] ay pinostpone pa rin. Ngayon, hindi na po papayag ang judge, November 5, 2024 [ay] talaga pong itutuloy na,” aniya.

Matagal na rin aniyang hinihintay ng kampo ni Pastor Apollo, ang posibilidad ng extradition sakaling ito ay hingin, ngunit wala naman aniyang ganitong hiling ang Amerika.

“Handa din po ako sa kasong iyan kung ako ay ma-extradite pagkatapos mapag-usapan at nakadaan na kami ng Court of Appeals, Court of First Instance, at Supreme Court. Kung ilang taon iyon, dapat magtiis din sila. Hindi dumating iyon, hinihintay ko hanggang ngayon, wala pong request na ganoon,” dagdag ng butihing Pastor.

At ang nakakagulat na pahayag ni Pastor Apollo, hindi na raw extradition pala ang gagawin kundi rendition, at ang nasa likod? ay ang US Government dawit ang pangalan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos.

“From reliable sources, correct me if I am wrong, but these are reliable sources na dumating sa akin na ayaw na raw po nila ng extradition treaty. Ang kanila daw pong gagawin, ng CIA, ng FBI, ng US Embassy at state department kasabwat ng ating gobyerno ng Pangulong Marcos at ng First Lady at kung sino pa man ang nasa gobyerno, ay rendition ang kanilang gagawin. Ang rendition ay ibig sabihin po, anumang oras ay pwede nilang pasukin ang aking compound at ako ay kidnapin. It’s not only rendition but also elimination. If it is possible, pwede nila akong i-assassinate. Nandoon po sa dalawang iyon – kidnapping or assassination. Killing talaga, murder,” diin ni Pastor Apollo.

Dagdag pa ni Pastor Apollo, hindi lang siya kundi ang buong liderato ng kaniyang kongregasyon ay hindi na rin ligtas. Aniya, matagal na rin silang under surveillance.

“Ang aking 11 compounds, araw-gabi, sinu-surveillance ng drones. Hindi po kami makatulog. Hindi kami mapakali. Saan man po ako naroroon, nandodoon sila, naka-surveillance sa akin at naghihintay na lang ng tamang pagkakataon upang ako ay kidnapin o kaya patayin,” dagdag nito.

“Hindi lang po iyon mga kababayan, kundi ang aking leaders lahat, kasama na sa elimination. Ito pong aking Board of Administrators, senior leaders, lahat po sila ay pwede na nilang patayin lahat,” ani Pastor Apollo.

Muli naman ipinaalala ni Pastor Apollo na wala siyang interes kundi ang mangaral ng salita ng Diyos at tumulong sa ikabubuti ng bansa.

“Ang ministry ko po ay evangelizing the whole world with the Word of God. Hindi ko naman kasalanan ako’y maging kaibigan ng politikong tulad ni Pangulong Duterte, Vice President Sara. Taga-Davao po kaming lahat. Lumaki kaming lahat dito. Alam ko po ang aking mga kaibigan sila, lumaki kaming mayor na iyan, prosecutor pa, naging congressman, naging president. Iyan po ay aking pakikipag-ugnayan for nation building. Wala akong ibang interest sa bansang ito kundi ang pag-unlad,” diin ni Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS on Twitter