IPAGDARASAL ni Pastor Apollo C. Quiboloy na muling ikukunsidera ng Korte Suprema ang ipinataw na disbarment kay Atty. Larry Gadon.
Inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy na naiintindihan nito ang naging reaksiyon ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon sa mga naninira kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. noong kampanya.
Matatandaan na naging ground ng Korte Suprema ang paulit-ulit na pagmumura ni Gadon sa journalist na si Raisa Robles sa isang video para i-disbar ito.
Una nang sinabi ni Gadon, na ang mga actuations o nasabi nito noon ay dahil sa paglalabas ni Robles ng mga fake news upang masira ang kandidatura noon ni Marcos.
Si Gadon ay nakatakdang maghain ng Motion for Reconsideration para mabaliktad ang desisyon ng SC.
Ayon kay Pastor Apollo, ipagdadasal nito na magiging paborable ang magiging desisyon ng hukuman.
Si Gadon aniya ay sinsero at totoong tao.
Sinabi naman ng kampo ni Gadon na hindi pa final at executory ang desisyon ng Korte Suprema dahil sa ihahain nilang Motion for Reconsideration.