Pastor ACQ, may paalala sa mga naninira kay VP Duterte at mga mambabatas na kumalas sa partido ni FPRRD

Pastor ACQ, may paalala sa mga naninira kay VP Duterte at mga mambabatas na kumalas sa partido ni FPRRD

INIHAYAG ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa kaniyang programang Spotlight na ang mga politikong naninira kay Vice President Sara Duterte, at mga mambabatas na kumalas sa partido ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sinisira din ang kanilang political career.

Ani Pastor Apollo, lumalabas lamang na walang prinsipyo at paninindigan ang mga ito at madali lamang masilaw sa pera.

“I will tell you, I will tell you; I am not a politician and you are and you ought to know by wisdom that what you are doing is a kiss of death to your political career and Sara will soar in popularity the more. The more. Makikita ninyo ‘yan. You say itong 120 members, 120 members lang ‘yan and who vote for them? The people in the PDP-Laban Party when they were in the PDP-Laban and you think those people will go with them? It was also a kiss of death to them because they show their true colors and those that remained in principle, in principled political career they have, ‘yun ang iboboto ng tao kasi hindi na blind ang Pilipino, makikita ninyo ‘yan,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Dagdag pa ng butihing Pastor, ginagamit pa na dahilan ng ilang kongresista si dating Pangulong Duterte at idinadawit sa destabilization plot laban sa Marcos administration ngunit ang totoo ay pera ang dahilan kaya nagsilipatan ang mga ito at umalis sa PDP-Laban.

“Itong mga congressman na nagsilipat tapos ginagamit nilang reason ‘yung si Pres. Duterte nasa likod ng destab plot, may mga researcher ba kayo? At kayo, kahit wala kayong researcher, kami nga alam namin kayo pa kaya, reason lang ninyo what is the answer, money money,” ayon pa sa butihing Pastor.

Mga kumalas sa PDP-Laban at naninira kay VP Sara Duterte, posibleng hindi na iboto ng taumbayan—Pastor ACQ

Ayon pa kay Pastor Apollo, walang respeto ang mga politikong ito sa kanilang mga sarili. Dahil dito aniya tatandaan ng taumbayan ang mga nang-iwan sa partido ng dating Pangulo at hindi na iboboto pang muli.

“Kayo mismo wala nang respeto sa mga sarili ninyo—the people knows,” ani Pastor Apollo.

“The people will hate you, the people will not vote for you the next time you will ask for their vote,” aniya.

“’Kala ninyo matutuwa sila sa inyo? Sabi ni Pangulong Duterte kagabi, bakit kayo nagsilipatan, the people elected, voted for you when you are in PDP-Laban, bakit kayo nagsilipatan? Because of money, alam ng tao ‘yun na kayo money money lang, pera pera lang. Ah ganito pala itong mga lider na binoto, pera pera lang,” saad ni Pastor Apollo.

Diin ni Pastor Apollo, dahil sa prinsipyo ni dating Pangulong Duterte ay mas minahal ito ng taumbayan.

Posible rin aniyang makaapekto ang popularidad ng dating Pangulo sa political career ng mga mapanirang politiko dahil may posibilidad na ito pa rin ang sundin ng mga Pilipino.

“Duterte was nothing before but because of his values and principle, he shot up to the top,” diin ni Pastor Apollo.

“Naku ‘pag iyang si Pangulong Duterte tumayo at nagsabi ng iboboto natin, the people will all vote for that. ‘Pag sinabi nyang hindi nyo iboboto ito, patay kayo. Your political career is over. Kahit mandaya pa kayo, hindi nila nababasa iyon. Iba kasi ‘yung interes ninyo, kaya bulag kayo, pansamantalang bulag kayo, ‘yun ang sinasabi nila,” aniya pa.

Sa kasalukuyan, ang PDP-Laban na pinamumunuan ni dating Pangulong Duterte, na noon ay may 120 miyembro sa Kongreso, ay bumaba na lamang sa 15 kongresista dahil sa paglipat ng karamihan sa kanila sa naghaharing partido.

Samantala, base sa huling OCTA Research survey, sa kabila ng mga isyu na kinakaharap ng bise presidente ng bansa, nananatili pa ring most trusted government official si VP Sara Duterte.

Follow SMNI NEWS on Twitter